PHNOM PENH (Reuters) - Sinibak ng United States embassy sa Cambodia ang 32 nitong empleyado matapos mahuling nagbibigayan ng pornographic material sa isang non-official chat group.
Nakita sa isang Facebook Messenger chat group ang pinagpasahang mga pornographic videos at mga larawan, kabilang ang ilan larawan ng mga menor-de-edad.
“They had their identification cards taken and some of their phones checked,” pahayag ng isang dating U.S. embassy staff member.
Kabilang sa 32 empleyado ang Cambodians at Cambodian-Americans na guwardiya at clerical staff ng US embassy.