TRENDING agad sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa bagong TV commercial nila for McDonald’s na nagpapalamig sila mula sa napakainit na summer.

Komento ng netizens, refreshing at perfect para sa GabRu love team ang commercial na ito.

Sa isang interview kay Ruru, sinabi niyang very supportive sila ni Gabbi sa isa’t isa at very thankful sila sa suportang ibinibigay ng fans.

Sinabi rin ng aktor na marami pang maaaksiyon at exciting na mga eksenang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Sherlock, Jr. May isang twist daw na ikakagulat ng lahat. Ano kaya ito? Abangan!
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter