NAGLAAN ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P1 milyon bilang financial assistanc sa 2018 National PRISAA Sports competition na lalarga sa April 22 sa Tagbilaran, Bohol.

PINANGUNAHAN ni Richard Lim (gitna) ang seminar sa International Karate-do sa Cebu City na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC). PSC PHOTO

PINANGUNAHAN ni Richard Lim (gitna) ang seminar sa International Karate-do sa Cebu City na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC). PSC PHOTO

“PSC is mandated not only to help national athletes but also other leagues that are source of future stars like PRISAA headed by new president and former PSC Commissioner Fr. Vicente Uy,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.

Kung maaalala, dumalo si Ramirez sa pulong ng PRISAA na ginawa sa Angeles University Foundation sa Angeles City sa Pampanga at nagbigay financial assistance to association na binubuo ng mahigit 600 private colleges and Universities nationwide may tema ng “Building Nation Through Sports”.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Mahigit 5,000 atleta ang magtatagisan nang husay at galing sa 18 sports kasama ang medal rich athletics at swimming at weightlifting kung saan unang naglaro si Brazil Olympics silver medalist at Asian Weightlifting champion Hidilyn Diaz sa Zamboanga, kasama ang kanyang kababayan at Asian Games veteran at ASEAN Weightlifting gold medalist Nestor Colonia.

Sa unang pagkakataon ay gagamit ang weightlifting modern electronic scoring device binili ni PRISAA national executive director at Weightlifting Association of the Philippines vice president Prof. Elbert “Bong” Atilano sa Japan nakaraan Asian Junior Weightlifting Championship ginawa sa Tokyo.

Ayon kay Atilano handang-handa na ang Bohol i-host sa unang pagkakataon ang naturang torneo na ng tinatag noong 1953 para bigyan pagkakataon ang mga atleta sa private colleges and universities na ipakita ang kanilang natatanging husay at galing sa kanilang paboritong sports.

“I expect many young potential athletes will shine and preserve the good name of PRISAA as traditional breeding ground of national athletes past and present,” sambit ni Atilano.

Ayon kay Atilano ang main thrust ng PRISAA ay individual para makatuklas ng maraming magagaling na atleta na kakatawanin ang bansa sa international competitions.

“We focus on individual participation precisely to discover many young potential athletes,” sambit ni Atilano, may-ari ng Zambaonga Institute of Aviation and Technology kasapi sa PRISAA.

Kasama sa mga sport na lalaruin ay basketball, boxing, chess, lawn tennis, table tennis, wrestling, baseball, sepak takraw, softball, archery, at volleyball.