PANGUNGUNAHAN ni Asia’s First GM Eugene O. Torre ang pagsasagawa ng seminar sa 8th National Chess Trainer’s Seminar na magsisilbing punong abala ang Professional Chess Trainers’ Association of the Philippines (PCTAP) sa Abril 20 hanggang 22, 2018 na gaganapin sa Sapphire Hall, Xevera, Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Mr. Jose Fernando “Fer” Camaya, may 23 katao na ang unang nagpatala kung saan makakasama ni GM Torre, PCTAP Chairman at Fide Senior Trainer ay bilang lecturer sa seminar ay sina Fide Trainer/Fide National Arbiter/National Master Rudy L. Ibanez at International Arbiter Ilann J. Perez.

Ang opisina ng PCTAP ay matatagpuan sa Unit 1,VillaFelicidad,# 117 14th.Ave.Cubao,Quezon City na may Sec Certificate # CN20159988 TIN # 009-145-643 at may contact # 0919-358- 0444.

Bukod sa pagsasagawa ng seminar para maging bahagi ng Chess Trainer ng bansa ay naka iskeydyul din si GM Torre, long-time vanguard ng Philippine Chess sa isang rare simultaneous chess exhibition.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Hanapin si Mr. Jose Fernando “Fer” Camaya sa mobile number: 0915-881-4752 para sa dagdag detalye.