Ni REGGEE BONOAN

HINDI nagbigay ng detalye si Kris Aquino sa post niya nitong Lunes ng gabi tungkol sa Star Cinema movie na malapit na niyang umpisahan.

KRIS_puwedeng gamitin ang buong 9 shots copy

Martes ay ipinost naman niya ang litratong kung sa buong KCA Team nang magkaroon sila ng despedida dinner para sa kanyang business manager na si Gianni “Ian” Jasper Dazo na papuntang Canada dahil naaprubahan na ang working visa.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“This was our despedida early dinner last night, woke up with a little bit of a. Today is IAN’s last day, we have an endorsement print shoot after lunch (he’s the one beside Bimb holding the card).

“We leave tomorrow (kahapon, Miyerkules) for my endorsement shoot in Japan. Ian leaves Thursday for Canada. I salute his selfless love for family for doing this (I’m understanding now the Canadian permanent residency application that’s based on merit & a specific points system...) He was KCAP’s business development manager & closed so many of those branded partnership webisodes we’ve uploaded.

“I know, I shouldn’t play favorites, but he’s mine because he is smart (Double Major, Business & Accountancy, UP Cum Laude, CPA), efficient, has great people skills, organized, and above all else caring & calming. @ianldazo I’m going to miss you like crazy. Thank you for believing in my dreams & helping make the vision a reality. P.S. You know you can always come back after six months, right? I’m holding a place for you.”

Paanong hindi magiging paborito ni Kris si Ian, eh, simpleng tao lang, napakatahimik at nasa isang tabi lang, pamasid-masid pero rock sa pagiging hardworker.

Kapag hindi siya kailangan ay hindi siya nagsasalita o nagba-butt in. Marespetong tao ang business manager na ito ng Queen of Online World and Social Media.

Isa si Ian sa mga naniwala sa visions ni Kris noong mga panahong inaakala ng lahat na bagsak na ang career niya.

Wika nga, mula sa abo ay muling nabuhay, nakatayo at namamayagpag ang phoenix ni Kris dahil sa may business manager siya na lumebel sa katalinuhan niya.

Hindi kami magtataka kung bumalik nga si Ian para muling upuan ang puwesto na patuloy na ipaghihintay sa kanya ng kanyang girl boss.