SEOUL (AFP) – Pinatay at niluto ng isang lalaking South Korean ang aso ng kanyang kapitbahay ay inimbitahan ang walang kamalay-malay na may-ari nito na kumain kasama niya, sinabi ng pulisya nitong Miyerkules, sa kaso na ikinagalit ng netizen.

Umamin ang 62-anyos na magsasaka sa krimen matapos siyang ibuking ng isa pa nilang kapitbahay sa pamilya ng may-ari ng aso.

Sinabi niya na nairita siya sa ingay ng madalas na pagtahol ng Welsh Corgi ng kapitbahay, kayat binato niya ito at nawalan ng malay ang aso.

“Only after the dog passed out, he claims, he strangled the animal and cooked it,” sinabi ng isang detective sa lungsod ng Pyeongtaek. “The man then invited his neighbours to share the meal, including the father of the dog-owning family”.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Naging viral ang kaso nitong linggo nang manawagan sa Internet ang anak na babae ng pamilya para hilingin ang suporta ng publiko na tiyaking maparurusahan ang suspek.