Ni NORA CALDERON

MARAMI ang nagtaka nang mawala sa ang social media accounts ni Sarah Geronimo, kung kailan pa naman daw malapit na ang kanyang concert na This 15 Me sa Araneta Coliseum on Saturday, April 14.

SARAH copy

Bago iyon ay napanood ang pagpu-promote ni Sarah sa YouTube at may lumabas din siyang Instagram stories. May mga lumabas ding write-ups na nakakaramdam ng kaba si Sarah dahil five years ago pa iyong huling concert niya, maging sa recording ay medyo nanahimik siya, three years ago pa ang kanyang album na Great Unknown.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero mukhang nagpahinga lang naman si Sarah dahil the other day ay binuksan na niyang muli ang kanyang social media accounts at nagpaabot ng pasasalamat.

“Thank you guys for spending time with me nitong mga nakaraang araw. Ngayon, I have a new level of confidence to face the challenges coming my way. Love you all! #This15Me #TasteConfidence.”

Apat na hunks ang special guests ni Sarah sa concert, sina Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla at James Reid.

Kasama rin si Mark Bautista sa concert na ididirehe ni Paul Basinillo with Teacher Georcelle as dance director at si Louie Ocampo ang musical director.

Ipapakita sa concert ang journey ni Sarah for fifteen years simula nang ma-discover siya ng Viva sa Star For A Night singing contest noong 2003.

After ng concert sa Araneta Coliseum, itutuloy ni Sarah ang kanyang US concert tour kasama sina Mark Bautista at Sam Concepcion, na matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa.

Tinatapos niya ang Miss Granny movie with James Reid and Xian Lim sa direksiyon ni Joyce Bernal