Ni NITZ MIRALLES

ANG bilis dumami ng likes ng post ni Lea Salonga kasama ang Hollywood actor na si Robert de Niro.

ROBERT DE NIRO AT LEA copy

The last time we checked, may 50,430 likes na ang naturang post na ang caption ay, “Thank you sir, for visiting the island with your lovely family! #RobertDeNiro @onceislandbway.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nanood si Robert de Niro ng Broadway play na Once on This Island na isa sa cast si Lea at pagkatapos siguro ng show sila nagkita at nagkaroon ng picture taking.

Pati local celebrities gaya nina Martin Nievera, Gretchen Ho, Lyn Ching, Bianca Gonzales, Gian Magdangal, Mark Bautista, Alex Gonzaga at Gary Valenciano, napa-comment.

Si Robert de Niro ang latest Hollywwod celebrities na nanood ng Once in This Island at kung bibisita kayo sa Instagram (IG) ni Lea, makikita ninyo ang iba pang foreign celebrities na nanoood na sa Broadway play.