Ni Fer Taboy

Patay ang tatlong katao, kabilang ang isang retiradong opisyal ng pulisya at militar, habang dalawa ang nasugatan sa pamamaril ng mga hindi nakilalang suspek sa Negros Occidental, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Police Regional Office (PRO)-6 ang mga namatay na sina retired Army Sgt. Jose Jurito Amable; Alejandro Borez, retirado sa Philippine National Police (PNP); at Frederico Bitgue, na pawang nagtamo ng tama ng bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ni Chief Insp. Ruben Pajarito, hepe ng Isabela Municipal Police, na nakikipaglamay ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek, tsaka tumakas sakay sa motorsiklo, sa Magallon, Barangay Bulad sa Isabela, Negros Occidental.

Kasabay nito, nakarekober ang pulisya ng mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol at .9mm caliber pistol.

Batay sa imbestigasyon para matukoy ang motibo sa krimen, nabatid na ang nasawing retiradong sundalo ay pinuno ng Civil Security Group ng karatig na bayan ng Moises Padilla.