Ni Annie Abad

IGINIIT ni Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma na sila ang lehitimong asosasyon kung kaya’y marapat lamang na mabigyan ng suportang pinansiyal ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay Ledesma, napagalaman niya na nakatanggap ng tulong ang Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) – ang karibal na organisasyon ng kanyang grupo.

Sinabi ni Ledesma na kailangan nilang tustusan ang ibalt ibang programa ng National Team kung kaya’t malaking b agay ang ayuda ng pamahalaan.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

“Sana naman po, masuportahan din kami ng PSC,” pahayag ni Ledesma.

Kabilang ang table tennis sa assosasyon na nagulo sa panahon ni dating Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco. Ang TATAP ang matagal nang kinikilala sa sports community, ngunit ang grupo ni Ledesman ang binasbasan ng POC.

Ikinagulat naman ni PSC Commissioner Ramon Fernandez ang pahayag ni Ledesma at sinabing naglaan ng P5 milyon ang ahensiya para sa kanilang mga request.

“May 5M budget ang PTTF for 2018,” pahayag ni Fernandez .

Ang PTTF ay kabilang sa Tier 3 o other sports ng PSC na makakatanggap ng pondo na 5 milyong piso base na rin sa nilagdaan resolusyon ng ahensiya na Resolution No. 532-2018, kung saan kasama dito ang mga sports na Dance Sports, Cycling, Rugby, Fencing , Rowing, Karatedo, Badminton, Shooting, Softball at iba pang team sports.

“I don’t know off hand, but they can draw from that,” pahayag ni Fernandez nang tanungin siya ng Balita kung natanggap na ng PTTF ang nasabing limang milyong pisong budget.