Ni Reggee Bonoan

BUKOD sa pagiging artists, parehong budding entrepreneur na driven maging successful sina Nash Aguas at Alexa Ilacad kaya hindi nila prayoridad ang love life.

NASH AT ALEXA copy

Abala si Nash sa pagiging estudyante, pagiging artista, direktor at sa pamamahala sa anim na branches ng kanyang MuRamen food stall.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Si Alexa naman ay nagsimula na sa kanyang build and sell business sa tulong ng kanyang magulang.

“May unit na po ako na ginagawa naming Airnb, ‘yung uso po sa ibang bansa na instead of staying sa hotels, mas makakamura sa airnb. So dito po sa Pilipinas, meron na rin at iyon po ang pinagsimulan ko,” kuwento ng dalaga.

Bumibili si Alexa ng condo units at saka ipinapaayos at lalamanan para handa nang upahan.

Bukod dito, abala rin ang dalaga sa kanyang pag-aaral kaya malabong pagsabayin ang pag-aaral, pagnenegosyo, pag-aartista, at maagang pakikipagrelasyon.

Sa panayam namin kay Alexa sa set visit ng The Good Son sa Tivoli Royale Clubhouse, nabanggit ng aktres na good friends lang sila ni Nash at mas maganda raw iyon para sa kanila. Nang tanungin kung nag-level na ba ang relasyon ng NLex...

“Level up sa personal way, wala. Kasi kung sa acting way, meron. Pero sa personal way I don’t think meron kasi nag-decide kaming dalawa na mag-focus sa priorities namin. Lalo na ang busy niya, sobrang busy niyang tao. Parang wala na siyang panahon mag-love life.

“It was a mutual decision. Kasi parang mahirap na pipilitin mo ‘yung isang bagay na in the long run sa tingin mo hindi magwo-work. Kasi pareho kami ni Nash na hindi kami ‘yung gustong pumasok sa relationship para lang masabi na dyowa ko si ganito.”

Sa madaling sabi, puwedeng magpaligaw sa iba si Alexa na hindi pagbabawalan ni Nash.

“Opo,” kaswal na sagot ng dalaga.

Ang kaso, wala namang nanliligaw kay Alexa na nagbirong hanapan namin siya.

Baka walang nanliligaw dahil inaakalang boyfriend na niya si Nash.

“Hindi naman po siguro. Hindi naman po kami nagbabakuran na, ‘Ay, akin ‘to.’ At saka ako naman po outside showbiz I have another life which is my music career. I have lots of other friends, guy friends. Merong mga nagta-try, pero ako mismo ayoko pa.

Anyway, nakakatawa si Alexa dahil maski na parte siya ng The Good Son ay hindi niya alam ang mga nangyayari dahil wala siyang script at higit sa lahat, araw-araw ay bago ang mga kukunang eksena.

Kaya kahit patapos na ang TGS ay hindi nila alam kung sino ang killer ni Victor Buenavidez (Albert Martinez).

“Hindi nga, eh, hindi ko po alam. Akala namin noon alam na namin. Iyon pala hindi. So, lahat kami, ‘Sino ba? Sino ba talaga?’ Hindi sinasabi sa amin kahit anong tanong ko,” natawang sabi ng dalaga.