Mula sa Entertainment Tonight

SA opening track ng kanyang kalalabas na debut album na Invasion of Privacy, inihayag ni Cardi B na siya ay “real b***h, only thing fake is the boobs.” Gayunman, mas naging bukas ang 25- taong gulang na rapper tungkol sa pagpapaganda ng kanyang katawan sa bagong panayam ng GQ.

“All right, here’s the thing,” sabi ni Cardi sa magazine “When I was 21, I did not have enough meat on my body — if I was to get lipo, I wouldn’t have fat for my a**.”

Ipinaliwanag ni Cardi, Bronx native na nagsimulang magtrabaho bilang stripper bago naging sikat sa Instagram at naging reality star sa Love & Hip Hop: New York, na gusto niyang pagandahin ang kanyang katawan upang magkaroon ng mas maraming pera – at dahil niloko at ipinagpalit siya ng kanyang ex sa isang babaeng may “fat, big a**.”

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Kaya nagpatulong si Cardi sa isang babae na nagsagawa sa kanyang ng illegal butt injections sa bodega ng apartment sa Queens. “They don’t numb your a** with anything,” pagbabalik-tanaw niya. “It was the craziest pain ever. I felt like I was gonna pass out. I felt a little dizzy. And it leaks for, like, five days.”

Nitong mga nakaraang araw, ang outspoken na Bodak Yellow rapper ay halos nagamit na ang kanyang “money moves,” at ipinagdiriwang ang release ng Invasion of Privacy – na certified gold nang araw na i-release -- gayundin, inihayag niya na buntis siya sa kanyang fiancé, ang kapwa rapper na si Offset ng Migos.

Kinumpirma ni Cardi ang matagal nang usap-usapang balita nitong Sabado, kasabay ng pagpapakita ng kanyang baby bump habang nagtatanghal sa Saturday Night Live, at kalaunan ay nag-tweet ng, “I started winning when the whole world was doubting on me! think imma lose with my little baby counting on me?”

Bagamat hindi idinetalye ng rapper ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, ibinahagi niya ang hangarin ni Offset na makapagpakasal at bumuo ng pamilya sa kanyang bayan sa Atlanta.

“I always feel like his people and him gotta feel comfortable,” paliwanag niya. “(Offset)’s never comfortable in New York. He loves down south. He told me to move in with him, in Atlanta. I stayed in his house a couple of times, but it’s so hard to live there.

“He decided, though, that we’re going to build a house in Atlanta, and that’s the house that we’re gonna raise our kids in,” sabi pa ni Cardi. “But my job is in New York, always, so I can barely spend time in Atlanta.”

“A baby is truly a blessing from god I know how much you always wanted to be a mom!” post ni Hennessy, kapatid ni Cardi. “You always been Like a second mom to me so I know u gonna be the best mommy everrrr. you took care of me like i was ur own daughter I know how much you LOVE babies.”