Ni Orly L. Barcala

Aabot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang isang junk shop sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa junk shop na matatagpuan sa Mindanao Avenue, sa tapat ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Barangay Ugong, dakong 3:30 ng madaling araw.

Himbing sa pagtulog ang mga kawani ng junk shop nang sumiklab ang apoy at mabilis na kumalat sa tambak ng mga plastic na nakaimbak sa lugar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Masuwerteng nagising ang mga tauhan sa establisimyento at nakalabas nang ligtas.

Pasado 7:00 ng umaga nang maapula ng mga bombero ang sunog, na inaalam pa ang sanhi.