Ni DHEL NAZARIO

Patay ang isang umano’y lasing na construction worker makaraang saksakin ng nobyo nang dalagang binastos umano niya sa pamamagitan ng masama niyang tingin sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Foljhon Fuentes, 25, ng Cuasay Street, North Signal, Taguig City, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang naaresto ng mga nagpapatrulyang pulis si Robert Valenzuela, 24, matapos ang pananaksak.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Base sa imbestigasyon, naglalakad ang suspek kasama ang nobya sa MRT Avenue, E.P. Housing Phase 2, sa Barangay Pinagsama nang makasalubong ang umano’y lasing na biktima, dakong 12:30 ng madaling araw.

Ayon s a awtoridad, binangga umano ni Fuentes si Valenzuela na pinagmulan ng mainit nilang pagtatalo.

Sa pahayag naman ng suspek, sinabi niyang tinitigan umano ng biktima nang masama ang kanyang nobya, kaya nagalit siya, bumunot ng balisong at ilang beses na sinaksak si Fuentes.

Nasa kustodiya ngayon ng Taguig City Police si Valenzuela at isinasailalim sa imbestigasyon.