Ni NORA CALDERON

BINASAG na ni Gabbi Garcia ang pananahimik tungkol sa issue na nagtampo siya sa GMA Network nang biglang tapusin ang role niya sa Sherlock Jr. na pinagtatambalan nila ni Ruru Madrid.

Gabbi Garcia Coron copy

Nagbunsod ito na mga espekulasyon na lilipat na raw siya ng ibang network nang mabanggit niya ang “2” sa kanyang tweet. Marami tuloy ang nang-bash kay Gabbi na pagkatapos daw siyang pasikatin ng GMA ay bigla na lang lilipat.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi ko po ipagkakaila na nasaktan ako nang mawala na ang character ni Lily Pelaez sa soap namin,” sabi ni Gabbi.

“Pero wala po naman akong magagawa roon. Pero hindi po ibig sabihin ay lilipat na ako. Alam ko pong may mga projects pa akong gagawin sa kanila dahil matagal pa ang contract na pinirmahan ko sa GMA.”

Sa ngayon ay busy rin naman si Gabbi sa kanyang studies at sa commercial shoots na ang iba ay kailangan pang sa ibang bansa kunan, kaya nagpaalam din muna siya sa Sunday Pinasaya na featured love team sila ni Ruru.

Tinanong namin si Rams David, executive producer ng Sunday Pinasaya kung babalik pa si Gabbi sa Sunday show.

“Yes, iyon naman ang usapan namin, naiintindihan namin na mahirap talagang pagsabayin and studies at work, kaya pinayagan namin siya at kung puwede na, babalik pa rin siya. Hinahanap pa rin ng mga fans ang love team nila ni Ruru,” sagot ni Rams.

Bukod dito, may isa pang show si Gabbi sa GMA, ang One Online Exclusives at guestings sa mga show ng network.