NEW DELHI (Reuters) – Patay ang 24 na bata at tatlong matatanda nang mahulog sa bangin ang isang school bus sa hilagang estado ng Himachal Pradesh sa India nitong Lunes.

Sinabi ni Santosh Patial, senior police officer sa Himachal Pradesh, na natagpuan nila ang 27 bangkay sa lugar ng aksidente. Kabilang sa mga nasawi ang driver ng bus.

Nangyari ang trahedya nang lumihis sa kalsada ang bus at nahulog sa bangin. Sakay ng bus ang mga bata, pawang nasa edad 13 anyos, na nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa bayan ng Nurpur, may 300 kilometro ang layo mula sa Shimla, ang kabisera ng estado.

Tatlo pang bata na may sugat sa ulo ang dinala sa ospital ng gobyerno.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'