MATAPOS ang matagumpay na salpukan sa Metro Darasa Cockpit sa Tanauan, lalarga ang 1st BNTV Cup 5-Bullstag Derby ngayon sa dalawang elimination sa Ilocos Sur at Santa Square Arena (Mhiko Dunca 0917-8592018) at Texas Cockpit Arena in Antipolo City (Albert Carlos 0917-8132186);

Tumataginting na P1 milyon ang premyong nakataya para sa mababang entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300.

Papayagang sumabak ang bullstags na banded ng BNTV , FIGBA Bakbakan 2017, Digmaan 2017, Salpukan, LGBA and by local associations that are FIGBA-affiliated or PFGB-affiliated. Ang mga ilalahok mula sa Salpukan o LGBA-banded ay kailangan magsumite ng registry sheet.

Ang 2-bullstag eliminations ay nakalinya rin sa Apr. 13 - Bacolor Cockpit Arena (Neil Rengalota 0917-1472018); Apr. 18 – Imus Cockpit Arena (Lemuel Villanueva 0917-1462018) ane on Apr. 20 – Del Monte Cockpit Arena (Lawrence Laurel 0917-1492018/Jaime Escoto 0917-8562018).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May dagdag na eliminations para ma-accommodate ang pagdagsa ngm ga lahok sa Apr. 22 – New Porac Cockpit Arena (Neil Rengalota 0917-1472018). Ang mga hindi nakalaban ay puwede pang sumabak sa huling eliminations na nakatakda sa April 24 sa Smart Araneta Coliseum (Albert Carlos 0917-8132186).

Ang 3-bullstag pre-finals ay nakatakda sa Apr. 19 – Sarrat Cockpit Arena; Apr. 26 – Pasig Square Garden at Apr. 29 - Imus Sports Arena.

Ang Grand finals ay sa Smart Araneta Coliseum sa April 30.

Ang tinatanggap na bigat sa laban ay 1.800 – 2.200 kgs. Para sa reservations, makipag-ugnayan kay Jay (0917-8510218).