Ni Mary Ann Santiago

Hinirang ni Pope Francis ang isang paring Pinoy na nakabase sa Amerika bilang bagong obispo ng Tagum, Davao del Norte.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inihayag ng Vatican nitong Sabado ng gabi ang pagkakatalaga kay Father Medel Aseo, bilang kapalit ni Bishop Wilfredo Manlapaz, na magreretiro sa edad na 77.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Bishop-elect Aseo ay 63 anyos at isinilang sa Kapaong, Davao del Norte. Nagsilbi siya sa Saint Mary Parish sa ilalim ng Diocese of Greensburgh, Pennsylvania, bilang misyonaryo simula noong 2017.