Ni JIMI ESCALA

ISANG insider ng GMA-7 ang source namin sa intrigang medyo naging problema si Nora Aunor sa taping ng sinasabing pagbabalik-serye nito na may working title na Unanay.

Gina Alajar & Nora Aunor copy

Ayon sa source, iniwan ni Nora ang taping kahit sinabihan na ng staff na ilang sequences na lang ay matatapos na ang first taping day niya. Hindi raw pinansin ni Ate Guy ang pakiusap ngn staff at iniwan na nga taping.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya ang ginawa raw ng director ng drama series na si Gina Alajar ay isinantabi na lang muna ang natirang sequence na kasama si Nora at sa ibang araw na lang kukunan.

In fairness, nagpaalam naman daw si Nora. Kailangan daw niyang umuwi agad dahil sumasama ang pakiramdam niya. Hindi na raw kaya ni Ate Guy na magpatuloy ang taping nang gabing iyon.

Ayon pa sa kausap namin, alas diyes ng gabi raw ang napagkasunduang cut-off taping ni Nora at walang mangyaring overtime.

May mga nagulat sa napakaaga raw na cut-off time ng superstar. Ang mga kagaya raw kasi ni Eddie Garcia at iba pang mga beteranong artista ay hanggang alas dose ng hatinggabi ang cut-off time.

“Sa totoo lang may kilala nga kaming aktres na hanggang ngayon, eh, sikat pa rin at halos kasing edad lang ni Nora, eh, hindi nagde-demand ng cut off. Kahit anong oras matapos ay walang reklamong naririnig sa kanya,” sey pa ng source.

Ibinulong din ng source na susubukan daw uli ni Nora ang pagpasok sa pulitika. May partido raw na sumusuyo sa superstar para tumakbo sa isang local position.

Baka raw hindi makatanggi si Nora dahil may usapan na ito at ang nasabing partido.