NAITALA ni Fide Master (FM) John Marvin Miciano ng Davao City ang ika-3 sunod na tabla sa kababayan na si Daniel Quizon ng Damarinas City, Cavite sa penultimate 8th round ng Under-18 division ng Asian Youth Chess Tournament Standard event nitong Sabado sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand.

Ang Far Eastern University bet Miciano na target ang kanyang outright International Master (IM) title ay tinanggap ang draw kay Quizon, isa sa top players ng Dasmariñas Chess Academy na itinatag nina Dasmariñas City, Cavite Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga at Congresswoman Jenny Barzaga, matapos ang 25 sulong ng Sicilian Closed skirmish.

Bagama’t tabla ay tangan pa din ni Miciano ang pangkahalatang liderato na may 6.5 puntos, isang puntos ang angat sa apat na manlalaro na kinabibilangan nina Quizon, Arya Omidi ng Iran, FM Wong Yinn Long ng Malaysia at Candidate Master Le Minh Hoang ng Vietnam na may isang round na lamang ang nalalabi.

Hawak ni Miciano ang puting piyesa sa kanyang ninth at final round schedule match kontra kay CM Thilakarathne G M H ng Sri-Lanka na nagtatangka na makopo ang country’s first gold medal plus outright International Master (IM) title sa kanyang effort.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Si Quizon na itim na piyesa naman ang isusulong kay Le Minh sa must-win situation para sa posibleng makasama sa medal finishes.