Ni Rommel P. Tabbad

Inaasahang idedeklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagpasok ng summer season sa ikatlo o huling linggo ng Abril.

Ito ang pagtaya kahapon ni Shelly Ignacio, weather forecaster ng PAGASA, at sinabing umiiral pa rin ang amihan o northeast monsoon na nagdadala ng malamig na hangin at mahihinang pag-ulan sa bansa.

“Hinihintay na lamang po namin na ma-terminate ang amihan, siguro sa third week or last week of this month (Abril),” sinabi ni Ignacio kahapon.

Eleksyon

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao

Sinabi pa ni Ignacio na madalas malusaw ang amihan sa kalagitnaan ng Abril na palatandaan na maaari nang ideklara ang pagpasok ng tag-init sa bansa.