Ni Leandro Alborote

RAMOS, Tarlac – Malubha ang lagay ng dalawang motorcycle rider nang magkasalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Ramos-Paniqui National Road sa Sitio Tumalat, Barangay Coral, Ramos, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan sina Peter John Apelado, 21, ng Bgy. Sta. Ines, Paniqui; at Frankie Semana, 32, ng Purok 8, bgy. Samput, Paniqui, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ritchel Antonio, nangyari ang banggaan dakong 7:00 ng gabi.

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'

Parehong mabilis ang takbo ng mga sinasakyang motorsiklo ng dalawa nang magkasalpukan ang mga ito.