Ni Aaron Recuenco

Magbabago ang hitsura ni Director General Ronald dela Rosa, ang outgoing chief ng Philippine National Police (PNP), sa pagbabalik niya sa trabaho pagkatapos magretiro sa pulisya.

Sinabi ni Dela Rosa na pinag-iisipan niyang patubuin ang kanyang buhok pagkatapos niyang magretiro sa susunod na linggo.

“This will be my project after retirement, in a few months I will be able to grow my hair,” sabi ni Dela Rosa.

National

Pepito, itinaas na sa ‘typhoon’ category; Ofel, ibinaba naman sa ‘severe tropical storm’

Siniguro niya na kapag nangyari ito, makasisiguro ang publiko na hindi peke ang kanyang buhok.

Pormal na magreretiro si Dela Rosa sa Abril 18, sa isang seremonya sa Camp Crame, at ipapasa ni Pangulong Duterte ang posisyon kay National Police Regional Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde.

Gaya ni Dela Rosa, si Albayalde ay miyembro rin ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1986.

Inaasahang pamumunuan ang Bureau of Corrections, ilang buwan munang magpapahinga si Dela Rosa pagkatapos magretiro.