Ni Betheena Kae Unite

May pagkukumpuni sa EDSA at sa iba pang pangunahing kalsada sa Quezon City ngayong weekend, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro, apat na bahagi ng national highway ang isasailalim sa road repairs simula ngayong Sabado ng gabi.

Nabatid na isasaayos ang southbound ng EDSA mula sa M. Ignacio Diaz patungong P. Tuazon Boulevard, first lane, at mula sa Eugenio Lopez hanggang sa malapit sa Scout Borromeo, inner most lane; at sa northbound harapan ng Vertis North hanggang Trinoma Mall, third lane, at harapan ng FF Cruz hanggang Mapagmahal Street, first lane mula sa sidewalk.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Kukumpunihin din ay ang southbound ng Visayas Avenue, inner lane, at A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban hanggang C-3 Road; at northbound Quirino Highway, Lagro malapit sa Mater Carmeli, inner lane, at Congressional Avenue, second lane.

Ang mga apektadong lanes ay bubuksan sa ganap na 5:00 ng umaga sa Lunes.