DINAGSA ng sports buff at running enthusiast ang inilargang Color Run sa pakikipagtulungan ng Honda Motors.

DINAGSA ng sports buff at running enthusiast ang inilargang Color Run sa pakikipagtulungan ng Honda Motors.

NAKIISA ang Honda Philippines, Inc. (HPI), nangungunaang motorcycle manufacturer sa bansa, sa Color Manila bilang suporta sa programa para sa malusog na pangangatawan ng mga aktibong Pinoy millennials.

“We hope to continue our efforts of engaging in activities that young, fun, and fashionable millennials enjoy in the future,” pahayag ni Mr. Jomel Jerezo, General Manager and Department Manager of the Motorcycle Business Planning Department of HPI.

Nabigyan din ng pagkakataon ang kompanya na maipakita sa madla ang pinakabagong automatic model ng Honda tulad ng Honda BeAT na mabibili sa siyam na kulay. Nagsagawa rin ng learn-to-ride program at libreng test ride.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kabuuang 2,500 runners ang sumabak sa Color Manila nitong Marso 23 sa Clark, Pampanga at nakiisa sa tatlong race distances -- 3K, 5K, at 10K.

Sa pagtatapos ng karera, masayang nagdiwang ang mga kalahok sa saliw ng tugtugin, habang naliligo sa makulay na pulbos.