Ni JIMI ESCALA

EXCITED si Piolo Pascual sa pagdating ng panahon na pormal nang may ipapakilalang girlfriend ang anak na si Iñigo sa kanya.

PIOLO copy

“Really, I’m excited for him to have a girlfriend. I’m excited for me to be with someome (too) but ‘yun nga, eh, wala pang oras, eh. It will come in the perfect time and with the perfect person,” sabi ni Piolo sa studio ng Tonight With Boy Abunda.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon pa sa bachelor pa ring ama ng singer/actor na sikat at pinagkakaguluhan na rin ng fans, ngayong 18 years old na si Iñigo ay mas madalas silang magkasamang lumabas.

“It’s the excitement for both of us because now that he’s an adult, I can level with him more. So we both go out together. I take him with me. I can level with him more, so mas maluwag ngayon for us to level with each other,” kuwento ng premyadong actor.

Proud na nagkuwento si Piolo na marami-rami na ring proyekto ang ginagawa ni Iñigo, pero hindi siya nakikialam sa pagdedesisyon para sa mga proyekto na gusto nitong gawin.

“Lalaki naman ‘yan, eh. I never meddle. And besides, I started out in this business and I made my own decisions.

So, you have as a guardian. And’yan naman ang manager niya (si Erickson Raymundo).

“And’yan rin naman ang Star Magic, si Mr. M (Johnny Manahan), he has his mom as well. So, makikisawsaw pa ba ako, paano na ang desisyon ng bata, ang daming nagde-decide for him,” sey ni Piolo.

Gusto lang niyang mag-concentrate ang unico hijo niya sa anumang gusto nito.

“For me, I want him to concentrate on what he really wants to do. Siyempre, hindi mo maiaalis na medyo excited ‘yung bata, na gusto niya gawin lahat, but I told him to try on things na sa tingin niya, makakapagpaganda ng ugali niya,” sabi pa ni Papa P.