Ni Beth Camia

Umabot na sa 4.3 porsiyento ang inflation rate para sa Marso, higit sa target ng gobyerno na 2-4% lamang para ngayong taon.

Indikasyon ito na mabilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagtaas ng presyo ng mga basic goods nitong nakaraang buwan ay mas mabilis kumpara sa 3.1% naitala noong nakaraang taon, at 3.8% noong Pebrero.

Sa ulat ng PSA, naging mabilis ang pagtaas ng presyo ng alak at sigarilyo.

Sa datos, ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages ay tumaas ng 5.9%; ang halaga ng mga restaurant at miscellaneous good at service ay tumaas ng 3%; ang pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo ay tumaas ng 2.9%; samantalang tumaas ng 2.7% ang presyo ng mga furnishing, gamit at routine maintenance sa bahay; ang may kaugnayan sa kalusugan ay tumaas ng 2.4%; at 0.3% naman ang itinaas sa komunikasyon.