Ni Nitz Miralles

NAKIPAGSAGUTAN si Jenine Desiderio sa fans nina Janella Salvador at Elmo Magalona at mahahalata sa mga sagot niya na malayo pang magkaayos ang mag-ina.

ELMO AT JANELLA copy

Nagsimula ang sagutan nang mag-post si Jenine ng quotation card na, “Every problem is a gift. Without problems we would not grow” na uminit nang may mag-comment na dapat ay magkasundo na sila ni Janella.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sabi ng fan, umamin na kung sino ang may kasalanan kina Jenine at Janella dahil mahihirapan ang huli.

Sagot ni Jenin, “Umamin na kung sinong mali?” at “mahirap po kay Janella? Parang hindi naman po. This is what she wants. She’s having the time of her life” at sinundan pa ng, “Actually all of you have made this problem AT MY EXPENSE even if you don’t know what’s really happening.”

“Nobody wants to hear anyone ranting and I’ve kept myself considerably quiet. But if you continue to bash me & make it appear I’m the one at fault even if it’s not true then I have no choice but to fight back coz nobody else will defent me but myself. So bring it on,” patuloy ni Jenine.

Sinabi ni Jenine sa mga nagko-comment na fans ng anak na siya ang sinisisi sa isyu sa kanila ni Janella, pero maraming factors ang hindi nila nakikita.

Sa humirit na kailangan lang ay pang-unawa at pagtanggap, sagot ni Jenine, “Pang-unawa has always been there. Well, at least from my end. Pero ang mali kahit kailan ay hindi katanggap-tanggap hangga’t hindi itinatama.”

Sa nag-comment na iba-iba ang style ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak, may sagot uli si Jenine.

“The point/problem here is not about parenting style as you would like to think. You might think sobrang higpit kase nagrebelde. No, that is not the case. And the more people think like this, the more lumalakas ang loob and the more she won’t see that what she’s doing is wrong because you all are painting me wrong in her eyes. Do you actually think that the happiness of my kids don’t matter to me?? Ayan na naman ‘yung judgements ninyo eh... hindi n’yo nga alam totoong nangyayari, eh. Tuloy natin ‘to. Basta kung atakihin ako o ma-stroke kaka-react ko sa inyo ipalibing n’yo ko, ha.”

May maikling sagot din si Jenine sa comment na sinisira niya ang image ni Janella at pati raw kay Elmo Magalona: “It’s not me destroying them. It’s what they do. No smoke if there’s no fire.”

May sagot din si Jenine sa nag-comment na hindi dapat sa social media pinag-uusapan ang problema nila ni Janella at closed door dapat ang usapan.

“Pakisabi ‘yan sa idol mo, ha? Sana pakinggan at sundin ka kase ako buhay pinuhunan ko sa kanya pero hindi ako pinapansin, eh. Baka sakaling mas malakas ka sa kanya at mapasunod mo siya. Go! Timer starts now!”

Sa fan ni Janella na all caps pa ang comment na, “JANELLA IS SUPER HAPPY WITH PAPA JUAN MIGUEL SALVADOR FINALLY,” ang sagot ni Jenine, “Yes finally! Pinansin din siya ng tatay niya after abandoning his only child for 16 years!! Thank you, Lord!”

Medyo napangiti kami sa sagot ni Jenine sa nag-comment na dapat isama ni Janella ang mom niya sa US vacation para walang masabi.

“I’ve been there many times. Not interested. Siguro kung ikaw ako, type na type mo sumama sa kanila. Suggest natin next time.”

Medyo sumobra ang fan sa sinabing mabuti at may pinagkakakitaan pa rin si Jenine kahit wala na si Janella.

“Nabuhay ko si Janella ng maayos kahit na nu’ng hindi pa siya artista. Napag-aral ko siya sa magandang school at nadadala ko siya abroad as vacation. Lahat ng kinita niya sa showbiz ay kanyang-kanya lang. Kaya kong mabuhay kahit isang beses isang buwan lang ako mag-show. ‘Yun kase halaga ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Tagalog na ito, ha!” at sinundan ng, “Kayo? May mga buhay ba kayo? Bakit kayo nakikisawsaw sa buhay namin?”

Sa pagtsi-check namin sa Instagram (IG) ni Jenine, last June 2017 pa ang last post niya ng picture na magkasama sila ni Janella. Wala na siyang bagong picture ng anak na pinost.