Ni Fer Taboy

Natabunan nang buhay ang tatlong katao, kabilang ang dalawang welder, nang gumuho ang lupang pinagtatayuan nila ng steel poultry farm sa Sitio Candi-is, Barangay Sibago, Pinamungajan, Cebu.

Sa sketchy report ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), patay na nang mahukay sina Renerio Cabilin, Jr., 44; Dennis Arti, 30; kapwa welder; at Feliciano Media, 56, kontratista.

Sinabi ni PO1 Ryan Mangilimotan, ng Pinamungajan Municipal Police, na hinuhukay ng dalawang welder ang lupang pagtatayuan ng pundasyon ng ginagawa nilang steel poultry farm nang bigla itong gumuho.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinangkang iligtas ni Media ang dalawang tauhan ngunit dahil sa lalim ng hukay ay nahulog din siya.

Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng pamahalaang lokal ng Pinamungajan, ngunit hindi na nailigtas nang buhay ang tatlo.