Ni Hans Amancio

Aabot sa P210,000 halaga ng gad¬gets at cash ang tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek mula sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa Binondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Wallace Wong, 32, ng Juan Luna Street, Binondo, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinundo ng biktima ang kan¬yang lola at inihatid sa bahay nito, dakong 10:45 ng gabi.

Inalalayan ni Wong ang kanyang lola sa wheelchair at inihatid sa pintuan, kaya naiwang bukas ang makina ng kanyang sasakyan at hindi naka-lock ang pinto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kanyang pagbalik, napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang itim na leather bag na naglalaman ng personal na gamit; isang Samsung S9, na nagkaka¬halaga ng P48,399; isang iPhone X-P70,000; isang Nintendo Switch, P23,206; isang electric cigarette, P4,972; isang eyeglass, P3,315; at P60,000 cash.

Agad humingi ng tulong si Wong sa kanyang pinsan, si Jason Laneda, at sinamahan siya sa Meisic Police-Station 11 upang i-report ang insidente, kahapon ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente