Ni MERCY LEJARDE

MASAYA ang atmosphere sa pilot taping nitong Lunes ng Extraordinary Love (formerly titled Nanay) na pagbibidahan ni Nora Aunor kasama.

nora

Not true ‘yung tsika na may negative issue sa taping na may kinalaman daw sa mood ni Ate Guy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Naging smooth sailing at maayos na natapos kahapon ang pilot episode taping ng Extraordinary Love. In fairness kay Ate Guy ay masaya niyang tinapos ang lahat ng kanyang eksena,” tsika ng aming reliable source.

Ganadung-ganado nga raw sa taping ang superstar kaya masaya ang atmosphere sa set at excited ang lahat ng cast at production staff and crew.

So there, na puwedeng sabihin at ulit-ulitin ni Ate Guy ang dialogue niya noon 70’s na something... ‘Mama, mali ang tsismis!”

‘Yun na!

Extraordinary Love ang final title ng upcoming primetime series ng GMA-7 na tatampukan din nina Gardo Versoza, Mikee Quintos, Kate Valdez, Vaness del Moral, Enrico Cuenca at Jo Berry. Tampok din dito ang nagbabalik-Kapuso na sina Wendell Ramos, Adrian Alandy. Si Gina Alajar ang direktor nila.

Ano kaya ang magiging kwento nito? For sure, kakaiba at kaabang-abang rin ito tulad ng iba pang mga serye ng GMA lalo pa’t si Ate Guy ang bida.