Ni Ariel Fernandez

Kritikal ang isang 83-anyos na babae matapos matumba nang aksidenteng maatrasan ng pamilyang nagse-selfie sa departure lobby ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Juliana Lipan, 83, ng Bagong Lipunan, Liberty, Quezon City.

Samantala, handa umanong akuin ni Oclos Micheal Navarro, miyembro ng pamilyang nakabangga, ang gas¬tusin sa pagpapagamot ni Lipan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa Airport Police, inihatid ng magkabilang panig ang kani-kanilang kapamilya, na patungo sa ibang bansa, at bago pumasok sa loob ng terminal para magcheck-in, nag-selfie muna at tuluyang naatrasan ang matanda na ikinatumba nito.

Ayon kay Dra. Rowena Bernal, mabilis na rumesponde sa insidente, nakita niyang nahihirapang huminga at sumasakit ang likod ng biktima kaya agad nilang isinugod sa ospital.