Ni Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Dalawang katao, kabilang ang isang abogado, ang pinatay sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.

Ang unang nasawi ay kinilalang si Atty. Pedro Garcia Baguisa, 73,ng Delos Reyes St., San Vicente, Gapan City, na natagpuan sa kanyang bahay na laslas na ang leeg.

Sa pagsisiyasat ng Gapan City Police, nawawala umano ang nakatagong baril at dalawang manok na panabong ni Baguisa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang mga closed-circuit television (CCTV) sa lugar upang matukoy ang mga salarin.

Binaril naman ng riding in-tandem si Rodrigo Matias Gabriel, 62, may asawa, ng Camino Drive, San Nicolas, Gapan City.

Dakong 8:30 ng umaga at pauwi na ang biktima nang tambangan ng mga suspek na naka-bonnet.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.