SA tumitinding pagkabahala ng ating mga opisyal sa ipinapanukalang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao, nakaligtaan na natin ang iba pang rehiyon na nakapaloob sa ating Konstitusyon — ang Cordilleras of Northern Luzon.

Ito ang tahanan ng 1.2 milyong katutubo na kilalang mga Igorot kahit na sila ay kabilang sa iba’t ibang ethnolinguistic group.

Bago ang bakasyon nitong Semana Santa, naghain si Senador Juan Miguel Zuburi ng panukala na magpapatibay sa Autonomous Region of the Cordillera (ARC) na papalit sa kasalukuyang Cordillera Administrative Region (CAR). Binuo ang CAR, kasabay ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), sa ilalim ng Section 15, Article X ng Konstitusyon na nagsasaad na: “There shall be created autonomous regions in Muslim Mindanao and Cordilleras, consisting provinces, cities, municipalities, and geographical areas sharing common and distinctive historical and cultural heritage, economical and social structures, and other relevant characteristics within the framework of this Constitution and the national sovereignty, as well as the territorial integrity of the Republic of the Philippines.”

Sa ika-31 taon ng 1987 Constitution, sinabi ni Zubiri na malapit nang makamit ng Cordillera ang tunay na kalayaan. Ito ay isang maunlad na rehiyon na nag-aambag ng 1.8 porsiyento sa pambansang Gross Domestic Product (GDP), sa pamamagitan ng produktong pang-agrikultura gaya ng repolyo, palay, at mais.

Sa pagiging mas malaya, gaya ng ARC, ang Cordillera, alinsunod sa panukala ni Zubiri, ay patuloy na makatatanggap ng taunang suporta na P10 bilyon para sa unang limang taon at P5 bilyon para sa susunod na limang taon, habang patuloy na tatanggap ang mga local government unit (LGU) ng Internal Revenue Allotments (IRA), gaya ng ibang LGUs sa buong bansa.

Ngunit bilang isang malayang rehiyon, magkakaroon ito “opportunity to decide on what policies and programs will best fit the region and, at the same time, have the freedom to pursue their political, economical, social, and cultural development within the framework of the national sovereignty and in accordance with the local practices and cultural heritage and identity,” sabi ni Zubiri.

Kilala ang mga taga-Cordillera sa buong bansa sa kakaibang kulturang pambundok. Sila ngayon ay nakatira sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province, at sa Baguio City. Ang mga probinsiya at lungsod ay bumoto sa plebisito upang maitatag ang malayang rehiyon na bubuo sa ARC.

Ang pagkakatatag sa ARC sa hilagang bahagi ng bansa ay magsisilbing huwaran sa ibang rehiyon sa bansa, na kinakailangan ang sistemang federal sa ilalim ng bagong Konstitusyon. Mayroon pang ibang rehiyon sa katimugang bahagi ng bansa — Ang Bangsamoro Autonomous Region, na batas na inihain sa Kongreso.

Sa pagitan ng dalawang rehiyon ay ang iba’t ibang malayang rehyon — ang mga lalawigang Ilocano sa Northern Luzon, ang Central Luzon, ang Metro Manila, ang Southern Luzon, ang Bicol, ang Western, Central, at Eastern Visayas, at ang Northern at Southern Mindanao. Kinakailangan nitong hintayin ang pag-apruba at ratipikasyon ng bagong Konstitusyon.

Sa ngayon, maaari nating pagparisin ang pag-unlad at pagpapausbong sa ARC at sa Bangsamoro, matuto sa kanilang mga napagtagumpayang problema, upang makatulong sa pagtatatag at pagpapaunlad sa iba pang rehiyon sa bansa.