Ni Kate Louise B. Javier

Isang sales agent, na kabilang umano sa drugs watch list, ang nadakip sa isang buy-bust operation sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Felipe Gajudo, 49, ng Barangay 181, Caloocan City.

Sa ulat ni SPO1 Ryan Escorial, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit, sa pangunguna ni Senior Insp. Allan Hernandez, sa Virgo Street, Pangarap Village sa lungsod, dakong 11:45 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Unang iniulat ng mga opisyal ng barangay kaugnay ng pagkakasangkot sa ilegal na droga ni Gajudo bilang drug pusher dahilan upang magkasa ng operasyon ang awtoridad.

Binentahan umano ni Gajudo ng P500 halaga ng shabu ang pulis na poseur buyer, at nakumpiskahan umano ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang suspek, na nakakulong ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police.