FOSHAN, China , Tulad ng inaasahan, naungusan ng Team Philippines Gilas ang Malaysia, 62-57, nitong Lunes sa opening day ng FIBA U16 Asia Championship dito.

Malamya ang naging simula ng Pinoy cagers at nanganilangan nang krusyal na play sa krusyal na sandali para magapi ang perennial regional rival.

Nagawang makalamang ng Malaysia mula sa 13-11 sa unang limang minuto bago nakabawia ng Gilas para maisara ang halftime sa 30-27.

Nanatiling kumikikig ang Malaysia kung saan bigong makalamang ang Pinoy ng double digits sa final period.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nanguna ang 7-footer na si Kai Sotto ng Ateneo para sa Gilas sa naiskor na 12 puntos, 16 rebounds at apat na blocked shots, habang kumana si John Tang ng 17 puntos tampok ang limang three-pointer para sa Malaysia.

Nag-ambag para sa Philippines sina Terrence Fortea at Raven Cortez, na may 15 at 12 puntos,ayon sa pagkakasunod.

Target ng Malaysia na makabawi sa pakikipagtuos bukas sa liyamadong Australia, habang pahinga ang Gilas at haharapin ang Crocs sa Day 3.