Ronnie at Loisa
Ronnie at Loisa
PANIBAGONG aral ang muling ituturo kay Gelli (Loisa Andalio) ng sumpa ng pagiging genie ngayong uusbong na ang pagmamahal niya para kay Robin (Ronnie Alonte) dahil sa busilak nitong puso sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle ngayong gabi.

Lalo pang mapapalapit si Gellie kay Robin sa patuloy na pagtatanggol ng binata sa dalaga. Sa magaganap na Face of the Millennium pageant, sasagipin ni Robin ang isinumpang genie mula sa kahihiyaan sa mga katunggali niya sa patimpalak.

Dahil sa makikitang kabutihan sa kanyang master, mararamdaman niyang unti-unti na itong napapamahal sa kanya

Ngunit habang nagtatagal, isa-isa na ring tinatalikuran si Gelli ng mga mahal sa buhay ngayong lubos ang paghihirap ng kanyang magulang dahil sa epekto ng sumpa. Pero sa kabila nito, hindi siya iiwanan ni Robin at patuloy na hahanap ng solusyon upang maibalik ang lahat ng nawala sa pamilya ng dalaga.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Paano nga ba mawawala ang sumpa kay Gelli? Masuklian nga kaya ang pagmamahal niya para kay Robin?

Huwag palampasin ang kuwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta safb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.