NEW DELHI (AP) — Gumuho ang apat na palapag na gusali ng isang lumang hotel sa central India, na ikinamatay ng 10 katao at ikinasugat ng tatlong iba pa, sinabi ng pulisya kahapon.

Sampung katao pa ang nahilang buhay sa ilalim ng mga guho sa magdamag na rescue operations sa gusali sa Indore, isang lungsod sa Madhya Pradesh state, nitong Sabado ng gabi, ayon kay police officer Sanju Kamle.

May limang katao pa ang maaaring naipit sa ilalim ng mga guho.

Iniulat ng pahayagang Times of India na gumuho ang lumang gusali matapos bumangga ang isang sasakyan sa harapang bahagi nito.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ang hotel na mayroong 25 silid ay matatagpuan sa commercial hub ng Indore, malapit sa istasyon ng bus at tren. Ang Indore ay halos 900 kilometro sa timog ng New Delhi.