Ni REMY UMEREZ

Ara Mina
Ara Mina
KUNG baga sa pelikula, pinipilahan ang Hazelberry Café owned by former sexy star Ara Mina na matatagpuan sa Pwesto Community Mall sa Fairview.

Isa sa mga dinadayo sa cafe ang super yummy cakes na si Ara Mismo ang nagbi-bake.

Sadyang nakahiligan ni Ara ang mag-bake sapul pa sa pagkabata. Tulad ng pag-arte, it has been a passion for Ara. At para lalong lumawak ang kanyang kaalaman ay nag-enrol siya sa International School for Culinary Arts and Hotel Management. Kalaunan ay kumuha rin siya ng short course for pastry.

Pelikula

'Isang Himala,' nilusaw sa 9 na sinehan

Batid ni Ara na hindi panghabang panahon ang pag-aartista, kaya siya nagtayo ng coffee shop. Hazel ang tunay na pangalan ni Ara Mina at ang kinalabasan nga ay Hazelberry Café.

Minsan nang nagtayo ng restaurant si Ara sa Morato Street sa QC rin. Sadly, hindi ito nagklik sa publiko.

Waging-wagi si Ara Mina sa tagumpay ng bago niyang business venture. Nagbabalak siyang pumasok sa franchising upang matikman din sa iba’t ibang lugar ang dinarayong cakes at pastries sa Fairview.

Ipinagdiwang kamakailan ang first anniversary ng Hazelberry Café at dinaluhan ito ng known celebrities tulad nina Edu Manzano at Martin Nievera. Naroon din si Mayor Patrick Meneses, ang ama ng anak ni Ara.

Samantala, malapit nang mapanood si Ara Mina sa isang teleserye sa ABS-CBN at magbabadya sa muling pagbabalik telebisyon ni JM de Guzman.