BOLINAO, Pangasinan - Isang 38-anyos na lalaki ang nasawi habang nakaligtas naman ang dalawa niyang anak na menor de edad matapos silang pagbabarilin sa Barangay Catuday, Bolinao, Pangasinan, kahapon ng madaling-araw.

Sa report ng Bolinao Police, dead on the spot si Christopher Honrada, ng nabanggit na barangay, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Himala namang nakaligtas sa pamamaril ang dalawang paslit na anak ng biktima.

Ilang minuto bago ang insidente, nakipaglamay ang mag-aama sa isa nilang kapitbahay sa nabanggit ding lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dakong 1:00 ng madaling-araw at pauwi na ang mag-aama sakay sa motorsiklo nang biglang sumulpot ang armado at paputukan ang biktima.

Wala pang makuhang impormasyon ang pulisya sa ikalulutas ng kaso. - Liezle Basa Iñigo