Gabbi Garcia
Gabbi Garcia
MARAMI man ang nalungkot nang mamatay ang karakter ni Gabbi Garcia na si Lily sa Sherlock, Jr., hindi nakaligtaan ng teen star na pasalamatan ang cast at lahat ng sumusuporta sa serye. 

“I would like to thank the #SherlockJr team! Thank you for treating me like family... one of the best cast & productions I’ve ever worked with! Thanks for keeping things light and full of love! I’ll definitely miss taping. Thank you also to everyone who supports the show! To my gabbifieds and gabru’s, love you guys!!”

 May mensahe naman sa kanya ang ka-love team niyang si Ruru Madrid. 

“Paalam Lily, kahit sa maikling panahon na pagsasama niyo ni Jack minahal ka nya at nagpapasalamat sya sa lahat ng ginawa mo para sa kanya. Kung wala ka marahil ay hindi nya rin nalutas ang ilang mga kaso na kasama ka nyang ma-solve ito. Salamat ng marami, Lily. Mahal ka naming lahat,” saad ng aktor.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Hindi rin nagpahuli ang director ng serye na si Rechie del Carmen na nagsabing ‘tough’ ang taping day na iyon at niyakap lang daw niya si Gabbi. 

“When I got up from my seat I suddenly felt this urge to hug you tight and you hugged me back..no words for a few but we completely understood what that hug meant...i u @_gabbigarcia!”

Samantala, hustisya para kay Lily Pelaez ang sigaw ng mga tao. Mahuli na nga kaya ang salarin na si Dindo (Matt Evans)? Mabigyang hustisya pa kaya ang pagkamatay hindi lang ni Irene (Janine Gutierrez) kundi pati na rin ni Lily? 

Alamin ang mga kasagutan sa Sherlock, Jr. gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.