Elton John
Elton John
HINDI pa umano nakakatanggap ng imbitasyon para sa royal wedding si Elton John.

Sinabi ng legendary performer – na napapabalitang magtatanghal sa nalalapit na kasal ni Prince Harry at Meghan Markle -- sa BBC Radio 2 nitong Huwebes na hindi pa siya nakakatanggap ng royal invite.

“We haven’t had an invitation yet,” pag-amin ni John.

Una nang sinabi nG mang-aawit sa ET – parehas sa red carpet sa 2018 GRAMMY Awards at nitong nakaraang buwan sa kanyang AIDS Foundation’s annual Academy Awards viewing party – na wala pa siyang imbitasyon sa kasal.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunman, inihayag ng Kensington Palace nitong nakaraang linggo na ang royal invites ay naipadala na, kaya dapat ay natanggap na ni John ang para sa kanya ngayon – lalo na at malapit lang ang bahay nila ng kanyang asawang si David Furnish sa St. George’s Chapel.

“I live on a hill, so I could just roll down there,” sabi ni John, na ang tinutukoy ay ang kanyang bahay sa Windsor, England, na hindi kalayuan sa St. George’s Chapel, na pagdarausan ng kasal nina Harry at Meghan sa Mayo 19. “It’s rolling distance.”

Umusbong ang mga usap-usapan na magtatanghal ang Candle in the Wind singer – na malapit na kaibigan ng pumanaw na ina ni Harry na si Princess Diana – sa araw ng kasal ng prinsipe, nang baguhin ni John ang kanyang mga nakalinyang pagtatanghal na gaganapin sa araw ng kasal.

Gayunman, inamin niya sa ET sa GRAMMYs na siya ay “no idea” kung siya ba ay dadalo o hindi. - Entertainment Tonight