CAMP MACABULOS, Tarlac City - Sugatan ang isang bank manager nang holdapin ito ng tatlong hindi nakilalang lalaki sa Sitio Tabane, Barangay Aguso sa Tarlac City, nitong Huwebes ng gabi.

Isinugod sa Jecson’s Medical Center si Salvador Ayes, 49, may asawa, dahil sa tama ng bala ng baril sa batok.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jeffrey Alcantara, kagagaling lamang ng biktima sa San Fernando City, Pampanga, kasama ang isang Cristina Natividad nang mangyari ang insidente.

Kabababa lamang umano nina Ayes at Natividad sa sasakyan sa tapat ng kanilang bahay nang lapitan sila ng tatlong suspek na nagdeklara ng holdap, subalit pumalag ang biktima.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dahil dito, binaril si Ayes at kinuha ng mga holdaper ang kanyang pitaka na naglalaman ng P40,000 cash, bago nagsitakas. - Leandro Alborote