Ni NORA CALDERON

NAPANSIN agad ang fresh face ng gumaganap na Toni sa The One That Got Away (TOTGA) ng GMA-7.

KELLEY copy

Siya ang new love team ni Migo Adecer na sa istorya ay in-love kay Lovi Poe, pero kalaunan ay iba na ang nararamdaman niya kay Toni na kasama niya sa coffee shop ng kapatid na si Rhian Ramos.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Thankful si Kelley sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kasama sa first show niya nang lumipat siya sa GMA-7 mula sa pagiging member ng GirlTrend ng ABS-CBN at ganoon din ng netizens na sumusubaybay sa kanilang show. Sa ngayon, mayroon na siyang 209.3K followers sa social media.

“Maraming salamat po sa mga positive comments at support ninyo,” pahayag ni Kelley. “I’m so blessed to be working with an amazing group of people, and I can’t wait to learn and experience more.”

Nagpasalamat din ang bagong Kapuso star kina Rhian at Migo na madalas niyang kaeksena dahil sila ang nagbibigay ng tips tungkol sa dapat niyang gawin sa pagganap sa kanyang role.

Nalubos ang kaligayahan ni Kelley nang makasama siya sa mga bagong pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Kelley is 21 years old, born in Dubai, United Arab Emirates on December 11, 1996, half-Filipino and half-English, pero matatas siyang magsalita ng Tagalog.