LAHAT ay nakatutok sa pagtulak ng Dagupan Bangus Festival 2018 Open and Age Group Rapid Chess Tournament sa Abril 7, 2018 na gaganapin sa CSI Stadia, Lucao District, Dagupan City, Pangasinan.

Ayon kay tournament director German Francisco, nakataya ang P7,000 sa magkakampeon sa Open Non-master, P4,000 naman ang naghihintay sa magkakampeon sa 16 and 14 years old Under category habang maiuuwi naman ang P3,000 sa magkakampeon sa 12 and 10 Under division.

May P250 tournament registration fee sa Open Non-master habang P200 naman sa Age Group category.

Maaaring magbayad sa MLuhillier o Palawan Money express na ang receiver ay si Mr. German Francisco mula Bonuan Boquig, Dagupan City na may mobile number: 0919-565-8981.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?