Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Pitong katao ang dinampot ng pulisya sa anti-illegal gambling operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulisya, ang mga naaresto na sina David Hidalgo Jr., 26; Gabriel Hidalgo, 22, ng Barangay San Fabina, Sto. Domingo; Arvin Savirola, 50; Jhon Julimer, 23; Marcos Medina, 46; at Zenaida Savirola, 50, pawang taga-Barrera, Cabanatuan.

Nasamsam ng pulisya ang dalawang baraha at taya na P1,300 sa mismong lugar ng pinagsusugalan.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Gambing Act), na inihain sa City Prosecutor’s Office.