Ni NITZ MIRALLES

FINALLY, nakita na uli ni Janella Salvador after a long time ang amang si Juan Miguel Salvador nang puntahan at panoorin niya ang gig ng Authorty Band nito sa Strumm’s Makati.

JUAN MIGUEL AT JANELLA_clear copy1

Kasama ni Janella sa panonood sa ama sina Pia Magalona at ang ka-love team nitong si Elmo Magalona.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May IG story si Pia habang kumakanta si Juan Miguel na nag-dialogue ng, “I’m so excited because my daughter Janella is here tonight.”

Nagpakuha ng picture si Janella kasama ang ama at may litrato ring magkakasama sina Janella, Elmo, Pia at Juan Miguel.

Nagtatanong ang fans nina Janella at Elmo kung alam daw ba ni Jenine Desiderio ang pagkikita nina Janella at ng ama nito at kung ano ang kanyang reaction. Kaso, dedma yata si Jenine na NR o No Reaction hanggang ngayon.

Kung nag-react man si Jenine, siguro tinext o tinawagan na lang si Janella.