Ni Bella Gamotea

Nagkanya-kanyang diskarte ang mga motorista sa pagpapakarga sa kanilang sasakyan dahil sa panibagong big-time oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell at Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Marso 27 ay nagtaas ito ng P1.15 sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa diesel, at P1 naman sa kerosene.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo ng Shell at Flying V, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Marso 20 huling nagpatupad ng 40 sentimos na dagdag-presyo sa diesel ang mga kumpanya ng langis, kasabay ng 55 sentimos na tapyas-presyo sa kerosene.