Ni Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Nasakote na ng pulisya ang isang babaeng sangkot sa pagbabayad umano ng talbog na tseke sa Talavera, Nueva Ecija nitong Sabado ng umaga.

Si Norlyn Palilio, 45, may asawa, ng Maestrang Kikay, Talavera, ay nakapiit ngayon sa Talavera Police dahil sa patung-patong ng bouncing check o paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22.

Sinabi ni Supt. Joe Neil E. Rojo, hepe ng Talavera Police, na pinangunahan niya ang pagdakip sa suspek nang matiyempuhan ito sa nasabing lugar matapos ang mahigit pitong taong pagtatago sa batas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aniya, ipinatupad lamang nila ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Alejandro Bijasa, ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 5 noong 2001.

Bukod dito, may kaso rin ang suspek na paglabag sa Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).