Ni REGGEE BONOAN

MUKHANG malakas ang appeal sa younger men ng aktres na kasalukuyang may umeereng teleserye. Nalaman kasi naming siya pala ang crush ng TV host/blogger.

Matagal nang single ang kilalang aktres at base sa pagkakaalam namin ay hindi na nasundan ang relasyon niya nang maghiwalay sila ng karelasyon niya walong taon na ang nakararaan.

Ang kilalang TV host/blogger naman ay natitsismis sa katrabaho niya pero hindi naman niya ito inaamin at gayundin ang babaeng iniuugnay sa kanya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Anyway, sitsit ng aming source, “Wala siyang girlfriend, ipinagtutulakan na nga siya ng parents niya.”

E, type ba naman ng kilalang aktres ang TV host/blogger?

“Parang type naman kasi okay naman saka magkasundo sila, lagi silang nag-uusap. Alam mo na, parehong matalino.”

Kung hindi kami nagkakamali ay limang taon ang tanda ng kilalang aktres sa dati niyang karelasyon at kay TV host/blogger naman ay mas malaki ang agwat pero hindi naman halata. At, di ba, ang sabi naman, ‘it’s just a number.”

Hirit namin sa source namin, ‘Eh, ano pa hinihintay nila since type naman nila ang isa’t isa?’

“Eh, may time ba? Parehong busy, baka mauwi lang sa wala, mas okay na friends sila, pero malay mo,” katwiran ng aming source.

Habang tinitipa namin ang item na ito ay ini-imagine namin sina aktres at TV host/ blogger, bagay naman sila.